Self Motivation(Language)
The reaction to any word may be, in an individual, either a mob-reaction or an individual reaction. It is up to the individual to ask himself: Is my reaction individual, or am I merely reacting from my mob-self? When it comes to the so-called obscene words, I should say that hardly one person in a million escapes mob-reaction. ~D.H. Lawrence
Language of Today
Word History: The word modern, first recorded in 1585 in the sense "of present or recent times," has traveled through the centuries designating things that inevitably must become old-fashioned as the word itself goes on to the next modern thing. We have now invented the word postmodern, as if we could finally fix modern in time, but even postmodern (first recorded in 1949) will seem fusty in the end, perhaps sooner than modern will. Going back to Late Latin modernus, "modern," which is derived from Latin modo in the sense "just now," the English word modern (first recorded at the beginning of the 16th century) was not originally concerned with anything that could later be considered old-fashioned. It simply meant "being at this time, now existing," an obsolete sense today. In the later 16th century, however, we begin to see the word contrasted with the word ancient and also used of technology in a way that is clearly related to our own modern way of using the word. Modern was being applied specifically to what pertained to present times and also to what was new and not old-fashioned. Thus in the 19th and 20th centuries the word could be used to designate a movement in art, modernism, which is now being followed by postmodernism.
Thursday, October 28, 2010
Friday, September 24, 2010
TAYUTAY
Mga Uri ng Tayutay
Types of Figure of Speech
pagtutulad simile pagwawangis metaphor pagsasatao personification pagmamalabis hyperbole | pag-uyam sarcasm pagpapalit-saklaw synecdoche paghihimig onomatopoeia pagtanggi litotes |
The Tagalog word for 'poetry' is panulaan or simply tula ('poem').
malayang taludturan
free verse
free verse
mga salik ng tula
elements of a poem
sukat
meter
tugma
rhyme
kagandahan / kariktan
beauty
elements of a poem
sukat
meter
tugma
rhyme
kagandahan / kariktan
beauty
Mga Alomorp ng Morpemang Filipino at Sama
Alomorp ng wikang Filipino
Ang Filipino ay may apat na panlapi na may mga alomorp. At ang bawat isa’y may mga tuntuning sinusunod. Ang panlaping [pang] ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [pang-], [pam-] at [pan-]. Ginagamit ang [pang-] kung ang inuunlapiang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga patinig na /a, e,i,o,u/ o alinman sa mga ponemang katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/; samantala ginagamit naman ang [pam-] kapag ang salitang-ugat na inuunlapian ang nagsisimula sa /b/ o /p/, habang ang [pan-] naman ay ginagamit kapag ang salitang-ugat na inuunlapian any nagsisimula sa alinmang mga ponemang /d,l,r,s,t/.
Halimbawa ay ang mga sumusunod:
[pang-] [pam-] [pan-]
pang-ihaw pampito panluto
pang-ulo pambati pandaliri
pangngalan pambansa pandikit
pangwalis pampuso pantali
Katulad ng [pang], ang panlaping [mang] ay may tatlong alomorp din. Ito ay ang mga unlaping [mang-], [mam-] at [man-]. Ang [sang] at [sing] naman ay [sang-], [sam-], [san-] at [sing-], [sim-], [sin-]. Ang mga ito ay sumusuod sa tuntunin ng panalaping [pang]. Narito ang balangkas upang lubasang maintindihan.
[pang-] [pam-] [pan-]
[mang-] [mam-] [man-]
[sang-] [sam-] [san-]
[sing-] [sim-] [sin-]
a b d
e p l
i r
o s
u t
k
g
ng
m
n
w
y

Alomorp ng wikang Sama
Ang panlaping [ngan]naman ng wikang Sama ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [ngan-], [nga-], at [N-]. Isang halimbawa sa unlaping [ngan-] ay ang salitang nengkoh (uupo/umupo) at ngandugsuh (sasaksakin/sinaksak).
nengkoh ngandugsuh
pan.un. s.u pan.un. s.u
[ngan-] [tengkoh] (upo) [ngan-] [dugsuh] (saksak)
Ang mga salitang-ugat na [tengkoh] at [dugsuh] ay kapwa nagsisimula sa katinig. At ito ay ang mga ponemang d at t. Ang mga alomorp na [pan-], [man-], [san-] at [sin-] ay ikikabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga ponemang /d,l,r,s,t/ dahil ang punto ng artikulasyon ng mga ito ay sa ngipin at gilagid. Maging ang artilulasyon ng mga salitang [tengkoh] at [dugsuh] ay panggilagid at pang-ngipin sapagkat ito’y nagsisimula sa ponemang t at d. Ibig sabihin, ang alomorp [ngan-] ay ikinakabit sa mga salitang nagsisimula sa /d/at /t/, tulad ng mga alomorp na [pan-], [man-], [san-] at [sin-] ng wikang Filipino. Ngunit hindi nangangahulugang ang mga salitang nagsisimula sa l, r at s sa wikang Sama ay kinakabitan ng alomorp na [ngan-] sapagakat ang mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng salitang nilapian ng alomorp na [ngan-] na nagsisimula sa l, r at s.
Ang alomorp na [nga-] naman ay makikita sa salitang ngadjal (magluto). Ang salitang ito ay nagmula sa salitang-ugat na [adjal] na ibig sabihin ay luto.
ngadjal
pan.un. s.u.
[nga-] [adjal]
Ang alomorp na [nga-] sa salitang ngadjal ay ikinabit sa salitang-ugat na [adjal] na nagsisimula sa patinig na /a/. Sa Filipino, ang mga salitang nagsisimula sa mga patinig na
/a, e, i, o, u/ at mga katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/ ay kinakabitan lamang ng mga alomorp na
[pang-], [mang-], [sang-] at [sing-]. Ito ang palatuntunang sinusundan sa Filipino. Samakatuwid, ang alomorp na [nga-] sa Sama at ang mga alomorp na [pang-], [mang-], [sang-] at [sing-] ng Filipino ay parehong ikinakabit sa salitang nagsisimula sa ponemang /a/. Ngunit kinakailanagan pa ang mga pagpapalawak at pagpapaunalad sa pag-aaral na ito.
Ang alomorp na [N-] ay makikita sa salitang mowa (bubuhatin). Ang salitang ito ay nagmula sa salitang-ugat na [bowa] na ibig sabihin ay buhat.
mowa
pan.un. s.u.
[N-] [bowa]
Ang alomorp na [N-] sa salitang mowa ay ikinabit sa salitang-ugat na [bowa]. Ang salitang-ugat na ito ay nagsisimula sa ponemang /b/. Sa Filipino, ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga ponemang /b/ at /p/ ay maaari lamang unlapian ng mga sumusunod na alomorp: [pam-], [mam-], [sam-] at [sim-]. Tulad ng Filipino, ang alomorp na [N-] ay maaari ikabit sa mga salitang nagsisimula sa ponemang /b/ kagaya ng apat na alomorp sa Filipino na kababanggit lamang. Ngunit hindi sinasabi na ang mga salita na nagsisimula sa ponemang /p/ sa wikang Sama ay kinakabitan ng alomorp na [N-], sapagkat ang mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng mga salitang nilapian ng alomorp na [N-] at ang salitang-ugat ay nag-uumpisa sa ponemang /p/.
Palagitlingan sa wikang Filipino at Sama

Ang paggamit ng gitling ay hindi lang basta basta. Sapagkat ang paggigitling ay may mga palatuntuning sinusunod. Sa Filipino, mayroong labing-isang palatuntunang sinusunod sa paggigitling. At ito ay ilalahad sa ibaba.
Ang gitling sa Filipino ay ginagamit:
Kung inuulit ang salita
>araw-araw >dala-dalawa > punung-puno > gabi-gabi
Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig
>pag-ibig > tag-araw > pang-ulo >mag-aaral
Sa pagitan ng panlapi at pangngalang pantangi
>maka-Filipino > nag-Jollibee >taga-Bacolod > mag-Otso-otso
Sa pagitan ng panlapi at salitang hiram o banyag
>nag-rent >mag-cable >mag-jet >nag-Smart
Sa pagitan ng dalawang aslitang magkasalungat
>urong-sulong >atras-abante >umulan-umaraw > akyat-baba
Kung may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagtatambal
>bahay na kubo >dalagang taga-bukid
bahay-kubo dalagang-bukid
Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal
>taong-gubat >baboy-ramo >dalagang-bukid
Kapag ang panlaping [ma-] ay ikinakabit sa pang-uri sa nagsisimula sa ponemang /m/ na ibig sabihin ay “maging”
>ma-mahirap >ma-maganda >ma-matalino >ma-mababa
Kapag ang panlaping [ika-] ay sinusundan ng tambilang
>ika-10 >ika-2 > ika-4 >ika-11 >ika-5
Kapag isinusulat ng patitik ang yunit ng praksyon
>Isang-kapat (1/4) > tatlong-kalima (3/5) >dalawang-kanim (2/3)
Kapag ikinakabit ang apelyido ng asawa sa apelyido ng babae noong dalawa pa siya
>Maylene Oliveros-Murao >Francisca Marcial-Koh
Sa Sama naman, ang paggamit ng gitling ay may mga palatuntunan ding sinusunod. Ilalahad ang paggamit ng gitling sa Sama sa ibaba.
Ang gitling sa Sama ay ginagamit:
Kung inuulit ang salita
>onde-onde (bata) > duwa-duwa (dala-dalawa) >subu-subu (madaling araw)
Sa pagitan ng panlaping unlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig
>mag-ajdal (magluto) > mag-api (mag-apoy)
Kapag ang panghalip na panao ay ikinakabit sa hulihan ng salitang inaari ng panghalip sa loob ng pangungusap
>indaman-ku (hiramin ko) >anak-na (anak niya) >paanda-ta (ipakita kita)
Sa paggamit ng gitling sa Sama, ang unang dalawang tuntunin nito ay katulad ng unang dalawang tuntunin ng Filipino sa itaas. Ibig sabihin, ang wikang Filipino at Sama ay may iilang parehong tuntuning sinusunod sa paggamit ng gitling. At ito ay ang unang dalawang tuntunin ng dalawang wika sa paggamit ng gitling sa itaas.
Samantala, ang mananaliksik ay may bagong natuklasang gamit ng gitling at panibagong tuntunin mula sa wikang Sama. Sa ikatlo at huling tuntuning nakalista sa itaas na gamit ng gitling sa Sama, ginagamit ito sa pagitan ng panghalip at salitang inaari nito sa pangungusap. Ibig sabihin, ang Sama ay may kakaibang gamit ng gitling na wala sa wikang Filipino. At ito ay ang pagkabit ng panghalip na panao sa salitang inaari nito sa pangungunap (tuntunin bilang 3 ng paggamit ng gitling sa Sama). Ngunit kinakailanagan pa ang mga pagpapaunlad at pagpapalawak sa pag-aaral na ito.
Pagbabagong Morpoponemiko ng wikang Filipino at Sama
Sa pagbuo ng salita, maraming prosesong nagaganap. Ang mga prosesong ito ay tinatawag na ‘pagbabagong morpoponemiko.’ Ang mga prosesong ito ay nagaganap sa pagbuo ng panibagong salita mula sa isang salita at nagbibigay ng panibagong kahulugan. Bilang pangkalahatang alituntunin, mayroong limang uri ng pagbabagong morpoponemiko. Ang (1) asimilasyon, (2) pagpapalit-ponema, (3) pagkakaltas-ponema, (4) paglilipat-diin at (5) metatesis.
Ang mga pagbabagong morpoponemikong ito ay siyang nagaganap sa wikang Filipino at iba pang wika sa buong mundo. Ang pag-alam nito ay mahalaga sa pag-aaral ng wika. Dahil ito ay maaaring maging sagot sa matagal nang suliranin, ang pagkaka-angkan ng wika sa Pilipinas at maging sa buong mundo.
Asimilasyon
Ang asimilasyon ay may dalawang uri. Ang ganap at di-ganap o parsyal. Sa asimilasyong di-ganap, ang pagbabago ay nagaganap sa panlapi lamang. Halimbawa ay,
[mang-] + [butas] = mambutas [pang-] + [tali] = pantali
Ang panlaping [mang-] ay nagiging [mam-] habang ang salitang-ugat na [butas] ay nanatili ang anyo at baybay. Ang panlaping [pang-] naman ay nagiging [pan-] ngunit ang salitang-ugat na tali ay nanatili ang anyo at baybay. Ang mga panlaping [mam-] at [pan-] ay mga alomorp ng panlaping [mang-] at [pang-] at may mga palatuntuning sinusunod. Ito ay ipinapaliwanag sa itaas, ang tungkol as alomorp.
Ang asimilasyong ganap, ang pagbabago ay nagaganap sa kapwa panlapi at salitang-ugat. Halimbawa ay,
[pang-] + [palo] = pamalo [pang-] + [tahi] = panahi
ang panlaping [pang-] ay nagiging [pam-] at ang salitang-ugat na [palo] ay nakakaltasan ng ponemang /p/. Sa ikalawang halimbawa naman, ang panlaping [pang-] ay nagiging [pan-] at ang salitang-ugat na [tahi] ay nakakaltasan ng ponemang /t/. Samakatuwid, ang pagbabago ay makikita sa panlapi at salitang-ugat. Ang mga panlaping [pam-] at [pan-] ay mga alomorp ng panalping [pang]. Ito ay nagbabago dahil may alituntuning sinusunod. Ito ay naipaliwanag na sa itaas, ang tungkol sa alomorp.
Pagkakaltas-Ponema
Ang pagkakaltas-ponema ay nagaganap kapag ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. Halimbawa ay,
dakpin sarhan kamtan
s.u. pan.hul. s.u. pan.hul. s.u. pan.hul.
[dakip] [-in] [sara] [-an] [kamit] [-an]
ang huling ponemang patinig na /i/ sa salitang-ugat na [dakip] ay nawawala ng ito ay hinulapiann ng hulaping [-in]. At gayon din ang nangyari sa mga huling ponema ng salitang-ugat na [sara] at [kamit], nawala ang mga ito ng hulapian ng [-an].
Pagpapalit-Ponema
Ang pagpapalit-ponema ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay kinakaltasan ng isa o higit pang ponema kapag ito ay kinakabitan ng iba pang morpema. Halimbawa ay,
biruin marumi hagkan
s.u. pan.hul. pan.un. s.u. s.u. pan.hul.
[biro] [-in] [ma-] [dumi] [halik] [-an]
ang huling ponemang /o/ sa salitang-ugat na [biro] ay napalitan ng ponemang /u/. Ang mga ponemang /d/ at /l/, /i/ ng mga salitang-ugat na [dumi] at [halik] ay napapalitan naman ng mga ponemang /r/ at /g/. Ibig sabihin, napapalitan lang ang mga ponemang napapaloob sa salitang-ugat ngunit ang kahulugan ay buo pa rin.
Paglilipat-diin
Ang paglilipat-diin ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay hinuhulapian. Halimbawa ay
sira:in hawa:kan putu:lin

[si:ra] [-in] [ha:wak] [-an] [pu:tol] [-an]
ang mga diin ng salita ay nalilipat; na iba sa diin ng salitang-ugat. Ito ay makikita sa mga halimbawa as itaas. Ang dating diin na makikita sa pagitan ng una at ikalawang pantig ng salitang [si:ra] ay nalipat sa hulihan ng ikalwang pantig nito. Kaya binibigkas ng, [sira:in] at hindi *[si:rain}. At gayon din sa iba pang mga halimbawa sa itaas.
Metatesis
Ang metatesis ay nagaganap kapag nagkakapalitan ng pusisyon ang dalwang ponema sa loob ng isang salita. Ito ay nangyayari kung ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga ponemang katinig na /l/, /r/ at /y/ ay ginigitlapian ng gitlaping [-in-]. Ngunit, hindi ibig sabihin na maaari lamang ito maganap sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/, /r/ at /y/ at ginigitlapian ng [-in-]. Dahil nagaganap din ito sa mga salitang-ugat na ‘di nagsisimula sa tatlong nabanggitn na ponemang katinig tulad ng aptan at sidlan. Nasabi lamang ito dahil ito ay karaniwang nagaganap. Halimbawa ay,
sidlan nilipad aptan
s.u. pan.hul. s.u. pan.git. s.u. pan.hul.
[silid] [-an] [lipad] [-in-] [atip] [-an]
makikita na ang mga ponemang /l/ at /d/ ng salitang-ugat na [silid] ay nagkapalitan ng pusisyon at mayroon pang nangyaring pagkakaltas-ponema dahil ang ponemang /i/ at nawala nang hinulapian ito ng [-an] at naging sidlan. Makikita rin ang mga pagbabago sa iba pang halimabawa.
Pagbabagong Morpoponemiko sa wikang Sama

Asimilasyon sa wikang Sama
Ang mananaliksik ay hindi pa nakatagpo ng salitang Sama na nabuo sa prosesong asimilasyon, ganap man o hindi. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ito nagaganap sa wikang Sama. Maaaring nagaganap ito at maaari ring hindi. Hindi pa sapat ang kaalaman ng mananalikisk upang bigyang tuldok ang penomenang ito.
Pagkakaltas-Ponema sa wikang Sama
pinung (pinutulan)
s.u. pan.git.
[pamung] (pinutol) [-in-]
Sa halimbawa sa itaas, makikita na ang mga ponemang /a/ at /m/ ng salitang-ugat na [pamung] ay nawawala nang ito ay ginitlapian ng [-in-] at naging pinung. Ang prosesong nagaganap ay katulad ng sa Filipino. Ibig sabihin, ang pagakakalatas-ponema ay parehong nagaganap sa dalawang wika.
Pagpapalit-Ponema sa wikang Sama
amella (nagluto) karua (pangalawa)
pan.un. s.u. pan.un. s.u.
[aN-] [bella] (luto) [ka-] [dua] (dalawa)
Makikita na ang ponemang /b/ sa salitang-ugat na [bella] at /N-/ sa panlaping [aN-] ay nawawala ngunit pinalitan ng ponemang /m/ sa pagbubuo. Sa salitang-ugat na [dua] naman, ang ponemang /d/ ay napapalitan ng ponemang /r/ nang ito ay nilapian ng [ka-]. Ang prosesong ito sa Sama ay katulad ng nagaganap sa Filipino. Ibig sabihin, ang wikang Filipino at Sama ay kapwang nagpapalit-ponema sa pagbuo ng salita.
Paglilipat-diin sa wikang Sama
eso:gin (gamitan ng lakas) kabaya:an (ginusto)
s.u. pan.hul. pan.un. s.u. pan.hul.
[e:sog](lakas) [-in] [ka-] [baya] (gusto) [-an]
Makikita na ang diin ng salitang hinulapian ay hindi na sa dating diin. Nalipat ang diin mula sa loob ng salitang-ugat at nalipat sa hulihan nito. Ang proseso ay katulad ng sa Filipino. Ibig sabihin, kapwa sa Filipino at Sama ay nagaganap ang paglilipat-diin.
Subscribe to:
Posts (Atom)